dzme1530.ph

Mga bus operators sa NCR, umapela na ibalik ang kanilang dating ruta noong bago mag-pandemya

Pinababalik ng mga operator ng mga bus sa pamahalaan ang dating ruta na kanilang dinadaanan bago mag-pandemya upang mapataas ang kita ng mga tsuper.

Paliwanag ni Sheila Albero, Presidente ng Mega Manila Consortium, bago ibigay sa kanilang hanay ang general community quarantine routes, lahat ng mga bus ay paunti-unti nang nawala dahil sa Transport Modernization Program.

Noong March 2020, matatandaan na ipinasara ng pamahalaan ang public transport system upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Dahil naman sa pinaluwag na lockdowns noong mga nakalipas na buwan, ilang bus ang itinalaga sa iba’t ibang ruta, gaya nang may malalawak na kalsada, na naging dahilan upang makipagkumpitensya ang mga ito sa mga jeepney.

Nabatid na pinagbawal din ang pagdaan ng provincial buses sa EDSA, sa halip ay inilunsad ng gobyerno ang Bus Carousel at nagbigay ng libreng sakay sa publiko.

Umaasa naman ang mga operator na maibabalik ang kanilang dating ruta, kabilang ang EDSA. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author