dzme1530.ph

Pilipinas, hinimok na palakasin ang sektor ng mga manggagawa sa gitna ng pagdevelop ng AI

Hinimok ng isang grupo ang Pilipinas na mas palakasin ang sektor ng manggagawa upang maka-agapay sa pag-develop ng Artificial Intelligence.

Ayon kay Dr. Mohanbir Sawhney, Dean for Digital Innovation at Professor of Technology sa Mccormick Foundation, dapat nang simulan ng pamahalaan ang paggawa ng hakbang para i-upskill ang Filipino workforce.

Paliwanag ni Sawhney, sa tingin niya ay nahaharap ang bansa sa “urgent challenge” o hamon na lumikha ito ng isang matatag at matagumpay na industriya sa customer services at customer care, subalit karamihan sa trabaho ay voice work na aniya’y mababang antas ng pakikipag-ugnayan sa mga customer, na kung saan ay pangunahing mga target para sa AI-Based Automation.

Nabatid na ang services sector ang may pinakamalaking ambag sa paglago ng ekonomiya ng bansa, na may 8.4% growth sa first quarter ng taon.

Malaki rin ang ambag ng Pilipinas sa Business Process Outsourcing (BPO) firm, kasama ang Information Technology and Business Process Management (IT-BPM) sector na may 1.57 million empleyado noong 2022. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author