dzme1530.ph

Binabantayang LPA ng PAGASA inaasahang maging ganap na bagyo ngayong araw

Mahigpit pa ring minomonitor ng PAGASA ang Low Pressure Area na maaaring maging bagyo habang nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang nasabing sama ng panahon sa layong 810 kilometro sa silangan-hilagang-silangan ng Mindanao.

Sinabi ng PAGASA na malaki na ang tiyansa na maging ganap na bagyo ito ngayong araw o bukas, gayunman asahan na magpapaulan ang trough (traaf) o extension ng LPA sa Caraga at Davao region.

Asahan din ang maulang panahon sa Zambales at Bataan dahil sa Hanging Habagat.

Posible ring maranasan ang pag-uulan sa Metro Manila at ilan pang bahagi ng bansa ngayong araw dala naman ng Localized Thunderstorms.

About The Author