dzme1530.ph

Preparasyon sa ikalawang SONA ni Pang. Marcos, nasa 95% na

Halos kumpleto na ang paghahanda, isang linggo bago ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa July 24.

Sinabi ni House Sec. Gen. Reginald Velasco na 95% na ang kanilang paghahanda at hinihintay na lamang nila ang final guest list mula sa Office of the President, Senado at iba pang mga organisasyon.

Aniya, kasado na ang lahat ng preparasyon, gaya ng physical arrangements at security, at kumpiyansa sila na pagsapit ng Biyernes ay plantsado na ang lahat dahil magkakaroon sila ng rehearsal.

Kinumpirma rin si Velasco na isasailalim sa lockdown ang Batasang Pambansa Complex, simula sa Huwebes.

Nangangahulugan ito na hindi papayagang pumasok sa Batasang Pambansa Complex ang mga indibidwal na walang kinalaman sa preparasyon sa SONA.

Nilinaw din ni Velasco na hindi present si Pang. Marcos sa rehearsals, dahil ang kanilang mas tututukan ay ang technical side ng SONA preparations. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author