Hindi tatalima ang gobyerno ng Pilipinas sakaling mag-isyu ng warrant of arrest ang International Criminal Court (ICC) laban sa ilang indibidwal bunsod ng mga pagpaslang na iniuugnay sa War on Drugs.
Ito ang binigyang diin ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla, kasabay ng pagsasabing wala namang gagawin at wala namang kinalaman sa bansa ang ICC.
Inihayag din ni Remulla na tapos na tayong sakupin ng Espanya, gayundin ng Amerika at Japan, kaya tama na, dahil malayang bansa na ang Pilipinas na mayroong sariling sistema ng batas.
Nakatakdang ilabas ngayong Martes ng ICC Appeals Chamber ang desisyon sa apela ng Pilipinas laban sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng ICC Prosecutor sa mga pagpatay na may kinalaman sa war on drugs ng nakalipas na Duterte Administration. —sa panulat ni Lea Soriano