Makikipag-ugnayan ang Department of Health sa Professional Regulation Commission (PRC) at sa Department of Labor and Employment (DOLE) para hanapin ang nurses na pumasa sa board exam pero walang trabaho at kumbinsihin silang mag-serbisyo sa government hospitals.
Tugon ito ng DOH sa rekomendasyon ni Camarines Sur 2nd district Rep. Luis Raymund Villafuerte na tuntunin ang unemployed nurses at bigyan ng trabaho, upang matugunan ang lumalalang nursing shortage sa bansa.
Sinabi ng ahensya na bubuksan ang vacancies sa lahat ng rehiyon upang makapag-trabaho ang mga nurse malapit sa kanilang mga tirahan.
Inanunsyo rin ng DOH na maglulunsad sila ng job fairs, hindi lang sa central office kundi maging sa lahat ng Centers for Health Development.
Hindi rin ito para lamang sa mga nurse kundi para rin sa iba pang health workers na mayroong existing vacancies. —sa panulat ni Lea Soriano