Makararanas pa rin ng mga pag-ulan ang ilang bahagi ng bansa bunsod ng Southwest Monsoon o Habagat.
Ayon sa PAGASA, kabilang sa makararanas ng paminsan-minsang pag-ulan ang Zambales, Bataan, at Occidental Mindoro.
Kalat-kalat na pag-ulan naman at thunderstorms ang maaring maranasan sa Metro Manila, CALABARZON, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, natitirang bahagi ng MIMAROPA, natitirang bahagi ng Central Luzon, at Western Visayas.
Ang nalalabing bahagi ng bansa ay inaasahang magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may isolated rainshowers o thunderstorms.
Sinabi ni PAGASA weather forecaster Robert Badrina na inaasahan ang maaliwalas na panahon bukas o sa Miyerkules. —sa panulat ni Lea Soriano