dzme1530.ph

Foreign borrowings noong ikalawang quarter ng taon, tumaas ng 23%

Inaprubahan ng Monetary Board ang kabuuang $2.73-B na public sector foreign borrowing sa ikalawang quarter.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ang foreign borrowing noong Abril hanggang Hunyo ay mas mababa ng $810-M o 23% kumpara sa P3.54-B na inaprubahan sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Sinabi ng BSP na ang lahat ng inutang ng bansa noong second quarter ay binubuo ng tatlong project loans mula sa Japan International Cooperation Agency.

Idinagdag ng central bank na maaari ring gamitin ang borrowings para pondohan ang iba’t ibang railway projects ng national government. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author