Epektibo na simula kahapon, Hulyo 16 ang P40 umento sa sahod ng mga manggagawa sa Metro Manila.
Dahil dito, nasa P610 na mula sa P570 ang daily minimum wage ng mga empleyado sa non-agriculture sector.
P573 naman mula sa P533 para sa mga manggagawa na nasa agriculture, manufacturing, at retail services.
Noong nakaraang buwan nang ilabas ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa Metro Manila ang Wage Order no. NCR-24 na layong taasan ng P40 ang arawang sahod sa rehiyon.—sa panulat ni Airiam Sancho