dzme1530.ph

PAGASA, Low-Pressure Area (LPA) magpapa-ulan sa bansa

Patuloy na uulanin ang malaking bahagi ng bansa dahil sa Low-Pressure Area (LPA).

Sa update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang LPA sa layong 205 kilometro Hilaga-Hilagang Silangan ng Surigao City, Surigao Del Norte, o 80 Kilomentro Silangan Hilagang-Silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Dahil sa LPA, katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan ang mararanasan sa Bicol Region, Quezon, Northern Samar, at Eastern Samar.

Mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan din ang inaasahan sa Isabela, Aurora, Mimaropa, at nalalabing bahagi ng Visayas at CALABARZON.

Sa kabila nito, sinabi ng PAGASA na malabong maging bagyo ang LPA sa susunod na dalawampu’t apat na oras.

About The Author