Aarangkada na sa susunod na linggo ang Food Stamp Program ng gobyerno, o ang pamamahagi ng food credits sa pinaka-mahihirap na pamilyang Pilipino.
Inanunsyo ng Dep’t of Social Welfare and Development na napili ang Tondo, Maynila bilang lugar para sa pilot implementation ng programa simula sa July 18, at may napili nang 50 pamilya bilang mga benepisiyaryo.
Sinabi naman ni DSWD Sec. Rex Gatchalian na unti-unting palalawakin ang pilot run ng food stamp program, hanggang sa maabot ang target na 3,000 pilot families.
Sa ilalim ng Food Stamp Program, bibigyan ng tap cards ang mga benepisyaryong pamilya na nagkakahalaga ng P3,000, na kanilang magagamit na pambili ng mga pangunahing pagkain sa food baskets mula sa DSWD accredited local retailers at supermarkets.
Kabuuang 1M pamilya ang target ng gobyerno sa full implementation ng food stamp program o ang “Walang Gutom 2027”. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News