dzme1530.ph

Bagyong Dodong, lumakas pa habang papalabas ng PAR

Lumakas pa ang bagyong Dodong at isa nang tropical storm habang papalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Sa datos ng PAGASA kaninang alas-11 ng umaga, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 305 kilometro sa kanluran na bahagi ng Sinait, Ilocos Sur.

Taglay ng bagyong Dodong ang lakas ng hangin na aabot sa 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometro kada oras.

Kumikilos naman ang bagyo pa-hilaga hilagang kanluran sa bilis na 10 kilometro kada oras.

Sa ngayon, wala ng lugar sa Pilipinas ang nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author