dzme1530.ph

PNP Chief, sinibak ang mga pulis sa intelligence operation unit matapos ang umano’y extortion ng 5 pulis Maynila

Kaagad na inatasan ni Philippine National Police, Pol. Gen. Benjamin Acorda Jr., ang Manila Police District (MPD) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na magkaroon ng follow-up operation sa limang pulis na sangkot umano sa “Robbery Extortion” sa isang computer shop sa Sampaloc, Maynila.

Ayon sa PNP Chief, hindi katangap-tangap sa pambansang pulisya ang ganitong maling gawain ng kanilang mga tauhan.

Agad naman sinibak ang lahat ng pulis sa District Police Intelligence Operation Unit (DPIOU), matapos masangkot sa insidente ng kunin ang aabot sa P43,500 kabilang ang P3,500 na pera sa counter table na tinangay ng limang pulis na may kasamang isang babae na nagsilbing look out nang nakawan ang computer shop sa Sampaloc, Maynila.

Kaagad naman nagsagawa ng CCTV backtracking at manhunt operation laban sa mga kapulisan na kinilalang sina Staff Sgt. Ryann Tagle Paculan, SSgt. Jan Erwin Santiago Isaac, Cpl. Jonmark Gonzales Dabucol, Patrolman Jeremiah Sesma Pascual at Pat. John Lester Reyes Pagar.

Dahil dito, agad nanawagan si Acorda sa mga pulis na sumuko na lang at harapin ang reklamo ng may-ari ng computer shop laban sa kanila. —ulat mula kay Jay de Castro, DZME News

About The Author