dzme1530.ph

Pilipinas, nakapagtala ng 114,278 Influenza-like Illnesses simula Enero hanggang Disyembre 3 ngayong taon.

Nakapagtala ang Pilipinas ng 114,278 Influenza-like Illnesses simula Enero hanggang Disyembre 3 ngayong taon.

Ayon sa Department of Health (DOH), mas mataas ito ng 45 percent kumpara sa naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Sa datos mula sa DOH, 29 percent o 32,778 cases ay isa hanggang apat na taong gulang.

Bunsod nito, hinimok ni DOH OIC Maria Rosario Vergeire ang publiko na agad mag isolate sa sandaling makaranas ng sintomas ng influenza-like illnesses, gaya ng lagnat, trangkaso, at ubo.

Binigyang diin ni Vergeire na mas mainam ang maging ligtas at huwag magpakakampante dahil ang mga sintomas aniya ay halos kapareho sa COVID-19.

About The Author