Nagdulot ng kabi-kabilang pagbaha ang mga pag-ulang dala ng Low Pressure Area at Habagat sa ilang bahagi ng Metro Manila, dahilan para maraming motorista at commuters ang stranded sa kalsada.
Kahapon ay ilang oras na hindi nadaanan ng light vehicles ang kanto ng Taft Avenue at United Nations Avenue sa Maynila makaraang lumubog sa baha.
Kagabi naman ay nagdulot ng matinding trapik ang baha sa kahabaan ng España Boulevard na tumagal din ng dalawang oras bago bumaba ang tubig.
Kabilang din sa nakaranas ng mga pag-ulan at baha ang Mandaluyong, San Juan, Navotas, Caloocan at Quezon City. —sa panulat ni Lea Soriano