Aminado si Sen. Risa Hontiveros na dismayado rin sya sa performance ng drag queen kaugnay sa palapastangan sa pananampalataya ng mga Kristyano.
Naniniwala rin ang senador na marami sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community ang hindi rin natuwa sa pangyayari.
Gayunman, umaasa siyang hindi gagamitin ang insidente laban sa karapatan at proteksyon ng komunidad na ilang taon na anyang na ma-marginalized nae-exclude.
Umapela rin ang senador para sa self-reflection, compassion at healing sa religious sector at LGBTQIA+ communities.
Aminado si Hontiveros na dahil dito ay nagpapatuloy ang struggle nila para ipasa na ang sogie bill.
Una na ring binatikos nina senate pres migz zubiri at sen jv ejercito ang insidente na anila’y paglapastangan at kawalan ng respeto sa relihiyon.
Sinabi rin ni Zubiri na maging ang iba pang miyembro ng Senado ay galit na galit sa napanood na viral video. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News