dzme1530.ph

Blue Lotus, natuklasang nakagaganda ng balat

Ang Blue Lotus ay isang halaman na kilala rin sa tawag na blue water lily at sacred blue lily na pinaniniwalaang nagmula sa Nile at bahagi ng East Africa.

Lumabas sa pag-aaral na ang blue lotus ay isang natural moisturizer kaya naman ginagamit itong sangkap sa skin care products.

Ang extract nito ay nagbibigay ng hydration at nagsasaayos ng skin elasticity ng mga nakararanas ng tuyo, magaspang at nagkakaliskis na balat.

Maliban dito, maganda rin panlaban ang naturang herb sa oily skin na pangunahing sanhi ng  breakouts ng pimples. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author