dzme1530.ph

Ibinubugang asupre ng bulkang Mayon, patuloy na dumarami

Patuloy na dumarami ang volume ng ibinubugang asupre ng bulkang Mayon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Sa latest bulletin ng ahensya, tumaas sa 1,582 tonnes ang inilabas na sulfur dioxide ng Mayon kahapon, July 12 mula sa 1,128 tonnes noong Martes, july 11.

Naobserbahan din ang pagtaas ng bilang ng pyroclastic density current(PDC) events sa 10 mula sa 8.

Naitala rin ng PHIVOLCS ang tatlong volcanic earthquakes at 286 na rockfall events sa nasabing bulkan sa loob ng 24- oras.

Gayunpaman, nananatili sa Alert level 3 o high level of unrest ang bulkang Mayon. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author