Hinimok ng Inter-Agency Energy Efficiency and Conservation Committee (IAEECC) ang lahat ng mga ahensya ng pamahalaan, kabilang ang government-owned and-controlled corporations, state universities and colleges, at local government units na gumamit ng solar power upang mabawasan ang pagiging dependent ng bansa sa crude oil bilang fuel.
Lahat ng government entities ay binibigyan ng tatlong taon upang maipatupad ang resolution ng komite para mag-install ng solar photovoltaic systems o anumang katumbas na renewable energy technology na magbibigay sa kanila ng initial supply na 20 percent ng kanilang electricity requirement.
Sinabi ni Energy Secretary at IAEECC chief Raphael Lotilla na ang perang matitipid sa pamamagitan ng mababawas sa buwanang konsumo sa kuryente ay gagamitin para pondohan ang iba pang government services, gaya sa health at education.
Idinagdag ni Lotilla na ang available na military lands, camps at reservations ay maaring maging host ng solar farms, upang ma-maximize ng pamahalaan ang job-creation potential sa paggamit ng renewable energy. —sa panulat ni Lea Soriano