Naghahanda na ang Bureau of Soils and Water Management (BSWM) para sa pagsasagawa ng cloud seeding operations sa Cagayan Valley at Bohol para magkaroon ng mga pag-ulan.
Ayon kay Engr. Ernesto Brampio, Chief ng Water Resources Management Division, ang Department of Agriculture Regional Office ang nag-request at nag-provide ng pondo para sa cloud seeding operations.
Aniya, naglaan ang DA Region 2 ng P9-M para sa naturang operasyon habang P2.5-M naman ang inilaan para sa Bohol.
Inihayag din ni Brampio na magsasagawa rin ng assessment kung kailangan nang mag-cloud seeding sa Angat dam sa Bulacan, kung saan bumaba na ang lebel ng tubig sa minimum operating capacity. —sa panulat ni Lea Soriano