61% ng pamilyang Pilipino ang madalas nagse-segregate ng kanilang mga basura, batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations.
Sa March 26 to 29 survey na nilahukan ng 1,200 respondents, lumitaw na mula sa 61% ng households, 44% ang nagsabing palagi nilang pinaghihiwalay ang biodegradable waste mula sa non-biodegradable at 17% ang nagsabing maraming beses silang nagse-segragate ng mga basura.
20% naman ang nagsabing minsan lang nila ito ginagawa habang 20% din ang umamin na kailanman ay hindi nag-segregate ng mga basura.
Lumitaw din sa survey na ang pangongolekta ng basura ang pinaka-karaniwang household waste disposal method, kung saan 64% ng respondents ang nagsabing kinu-kolekta ng garbage trucks ang kanilang mga basura.
27% naman ang nagsabing sinusunog nila ang kanilang mga basura; 9% ang nagbabaon sa lupa; 8% ang nagtatapon sa mga hukay; habang 4% ang gumagamit ng ibang paraan, gaya ng composting, pinakakain sa mga hayop, at nagtatapon sa mga ilog. —sa panulat ni Lea Soriano