Pagmumultahin ng Metropolitan Manila Development Authority ng P1,000 ang mga rider ng mga motorsiklo na sumisilong sa ilalim ng mga overpass kapag umuulan dahil nakasasagabal sila sa trapiko.
Binalaan din ng mmda ang mga rider na delikado na tumigil sila sa ilalim ng mga pedestrian overpass para sumilong dahil posibleng mabangga sila ng ibang sasakyan.
Sinabi ni MMDA Chairman Romando Artes na maari namang huminto ang mga rider sa mga itinalagang Motorcycle lay-by areas kapag umuulan.
Idinagdag ni Artes na makikipag-usap ito sa mga Gasoline station para makapaglagay ng mga tent na masisilungan ng motorcycle riders. —sa panulat ni Lea Soriano