Nanawagan ang Department of Foreign Affairs sa mga Pilipino na lisanin na nila ang Sudan sa gitna ng babala ng United Nations na nasa bingit ang naturang bansa ng “full scale civil war.”
Pakiusap ni DFA Usec. Eduardo de Vega sa mga Pinoy, habang may kuryente pa, habang may flights pa at habang may internet pa, ay umalis na sila sa Sudan.
Sinabi ni de Vega na mayroon pang pagkakataon para makalabas ng bansa kaya ihanda na ng mga Pinoy ang kanilang savings at magtungo sa Port of Sudan para maisaayos ang kanilang flights.
Nasa 100 pang mga Pilipino ang nananatili sa magulong bansa, kabilang ang 30 na naghihintay sa Port of Sudan ng kanilang flights. —sa panulat ni Lea Soriano