dzme1530.ph

EU, binigyang diin na ‘legally binding’ ang arbitral ruling na naipanalo ng Pilipinas laban sa China

Loading

Binigyang diin ng European Union na ‘legally binding’ at magagamit sa pagresolba sa territorial disputes ang 2016 Arbitration ruling na nagpatibay sa Philippines’ Exclusive Economic Zone laban sa historical claims ng China sa South China Sea.

Inilabas ng delegation ng EU at mga embahada sa Maynila ng kanilang member states, gaya ng Belgium, Czechia, Denmark, Germany, Ireland, Greece, Spain, France, Italy, Poland, Austria, Romania, Slovakia, Finland at Sweden, ang statement sa bisperas ng Anibersaryo ng July 12 decision ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague.

Tiniyak din ng EU ang katapatan sa pagkakaroon ng ligtas, malaya at bukas na maritime supply routes sa Indo-Pacific, alinsunod sa international law, gaya ng nakasaad sa United Nations Convention on the Law of the Sea, para sa interest ng lahat. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author