Ikinalungkot ni Sen. Francis Tolentino ang desisyon ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) na payagang ipalabas sa bansa ang pelikulang Barbie.
Sinabi ni Tolentino na natapat pa ang desisyon sa ika-7 Anibersaryo ng pagkapanalo ng bansa sa Arbitral Court na hindi kumikilala sa Nine-dash line ng China
Idinagdag ni Tolentino na dapat ay sinunod ng MTRCB at Department of Foreign Affairs ang suhestyon na alisin ang kontrobersyal na eksena. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News