Pinayagan na ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pagpapalabas ng international film na “Barbie” sa Pilipinas.
Naging kontrobersyal ang pelikula nang ipakita sa publiko ang isang mapa ng mundo kung saan sa bahagi ng mapa na may nakalagay na “Asia” ay mayroong tila mga guhit na ‘nine-dash line’ ng China.
Paliwanag ng MTRCB, walang basehan para i-ban ang Barbie film gayung ang dash lines ay hindi hugis letter “U” at may walong dashes lamang taliwas sa tinutukoy na ‘nine-dash line’.
Hindi rin makikita sa mapa ang mga bansang Pilipinas, Malaysia at Indonesia.
Ayon sa MTRCB, ang Barbie film ay may Rated PG o Parental Guidance Rating mula sa review committee.