dzme1530.ph

Whole-of-government approach upang matugunan ang krisis sa edukasyon, iminungkahi —MAP

Iminungkahi ng Management Association of the Philippines (MAP) ang whole-of government approach upang matugunan ang krisis sa edukasyon sa bansa.

Ginawa ni Benedicta Du-Baladad, Pangulo ng MAP ang rekomendasyon makaraang lumabas sa pag-aaral na ang mga mag-aaral sa Pilipinas ang may pinakamababang rating sa pagbabasa at pangalawa sa pinakamababa sa subject na Mathematics at Science.

Paliwang ni Baladad, ito ay pinalala ng pandemya dahil sa mga ipinatupad na lockdowns, na nagresulta sa pagtigil ng in-person classes, at paglipat sa online mode of learning.

Ang kakulangan din aniya sa supervision o pagbabantay ng mga guro sa mga estudyante ay nagdulot ng negatibong epekto sa kalidad ng edukasyon at graduates na nililikha ng mga educational institutions, gayundin ang paggamit ng social media platforms.

Binigyang-diin ni Baladad na malalagay sa alanganin ang competitivenes at paglago ng bansa sakaling lumala ang sitwasyon.

Dahil dito, iginiit niya ang pangangailangan na i-streamline ang pagpapatupad ng K to 12 system, na dapat ay sisiguro sa employment ng mga graduate. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author