dzme1530.ph

State of Calamity, idineklara sa Bataan dahil sa ASF

Isinailim sa State of Calamity ang lalawigan ng Bataan dahil sa African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Bataan Gov. Joet Garcia, layunin ng pagdedeklara ng State of Calamity sa lugar na mabigyan ng madalian at pangmatagalan na solusyon ang ASF virus.

Sa pinakahuling datos ng lalawigan hanggang noong Hulyo a-9, pumalo na sa 333 baboy ang positibo sa nasabing viral disease galing sa 17 mula sa 58 rehistradong backyard hog-raisers, habang aabot sa 287 baboy ang nasa ilalim ng pagsusuri.

Samantala, pinayuhan ni Garcia ang mga mamimili sa lugar na huwag magpanic o matakot dahil gumagawa na aniya ng paraan ang pamahalaan upang mabigyan ng solusyon ang problema sa ASF. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author