dzme1530.ph

Petition for Writ of Habeas Corpus na inihain ng isa sa mga akusado sa Degamo slay, ibinasura ng Korte sa Maynila

Ibinasura ng Korte sa Maynila ang petition for Writ of Habeas Corpus na inihain ni Joven Javier, isa sa mga akusado sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Sa limang pahinang desisyon, sinabi ng Manila Regional Trial Court Branch 16, na alinsunod sa batas ang pagpiit kay Javier bunsod ng nakabinbin na mga kasong kriminal sa korte dahil sa pamamamaslang.

Tinukoy din ng korte ang Commitment Order mula sa Branch 51 sa Manila City Jail.

Sa kanyang petisyon laban kina Justice Sec. Jesus Crispin Remulla at NBI Dir. Medardo de Lemos, iginiit ng akusado na iligal ang pagpiit sa kanya na walang anumang pormal na reklamo o judicial warrant. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author