dzme1530.ph

Magnitude 5.0 na lindol, yumanig sa Eastern Samar kagabi

Niyanig ng Magnitude 5.0 na lindol ang Eastern Samar, alas 9:01 kagabi.

Una itong itinala sa Magnitude 5.2 bago ibinaba ng PHIVOLCS.

Natunton ang epicenter ng lindol na tectonic in origin, 7 kilometro hilagang silangan ng Bayan ng Llorente, at may lalim na 32 kilometro.

Naramdaman ang Intensity V sa Balangkayan, Hernani at Llorente sa Eastern Samar; Intensity IV sa Borongan City, Gen. McArthur, Lawaan, Maydolong, at Salcedo sa Eastern Samar; Dulag, Palo, Tanauan, at Tolosa sa Leyte; Tacloban City; at Marabut, Samar.

Naitala naman ang Intensity III sa Can-avid, Guiuan, Sulat, at Taft sa Eastern Samar; Abuyog, Alangalang, Babatngon, Burauen, Dagami, Mayorga, Pastrana, Santa Fe, at Tabontabon sa Leyte; Basey, Calbiga, Catbalogan City, Motiong, Pinabacdao, at Santa Rita sa Samar.

Intensity II naman sa Arteche, Dolores, Oras, at San Policarpio sa Eastern Samar; Barugo, Baybay City, Capoocan, Carigara, Jaro, Leyte, at San Miguel sa Leyte. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author