Kasado na ang 9 hanggang 11-oras na daily water service interruption ng Maynilad sa Metro Manila, bukas, Hulyo-a-12.
Ito’y kasunod ng patuloy na pagbaba ng antas ng tubig sa Angat dam sa Luzon dahil sa kakulangan ng pag-uulan.
Ayon sa Maynilad, kabilang sa mga maapektuhan ng water interruption ang 591,000 customers mula Quezon City, Caloocan City, Malabon City, Navotas City, Valenzeula City at Maynila, simula alas-7 ng gabi hanggang alas-4 o alas-6 ng umaga.
Hindi pa tiyak ng Maynilad kung hanggang kailan tatagal ang water service interruption.
Kaugnay nito humihingi ng paumanhin ang Maynilad at pinayuhan ang kanilang mga customer na magsimula ng mag-ipon ng tubig.