Bahagya pang nabawasan ang lebel ng tubig sa Angat dam.
Batay sa datos na inilabas ng PAGASA Hydro-Meteorology Division, bumaba pa sa 179.23 meters ang antas ng tubig sa Angat dam mula sa 179.56 meters na naiulat nitong Linggo, na mas mababa pa rin sa 180 meters na minimum operating level ng dam.
Dahil dito, nagkasa ng ceremonial rain dance at iba pang ritwal, ang ilang indigenous group upang hilingin ang patuloy na pagbuhos ng ulan sa Angat dam water reservoir.
Muli namang nanawagan ang National Water Resources Board (NWRB) sa publiko ng kooperasyon sa sama-samang pagtitipid ng tubig.