Itinaas ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang estado ng simbahan ng Quiapo sa National Shrine of the Black Nazarene mula sa Archdiocesan Shrine of the Black Nazarene.
Ang elevation ay inaprubahan ng mga obispo sa 126th plenary assembly sa Kalibo, Aklan, at idineklara ang Quiapo Church bilang 29th National Shrine sa bansa.
Sa statement, sinabi ng CBCP na sa loob ng maraming taon ay nagsilbi ang imahen ng Black Nazarene bilang “prominent landmark” para sa mga deboto mula sa iba’t ibang panig ng bansa.
Simula din ng umpisahan ang “Traslacion” noong 1787, ang Quiapo Church ay naging sentro ng debosyon ng maraming Pilipino. —sa panulat ni Lea Soriano