Handa si Finance Sec. Benjamin Diokno na maisalang sa hot seat para ipaliwanag ang Maharlika Investment Fund (MIF) sa publiko, matapos lumabas ang resulta ng survey na hati ang paniniwala ng mga Pilipino sa benepisyo na maaring makuha sa panukalang Sovereign Wealth Fund.
Sinabi ni Diokno na hindi na siya nasorpresa na inamin ng mga respondent na kaunti lamang kanilang alam o wala talaga silang alam tungkol sa MIF, dahil mahirap naman talaga itong intindihin.
Idinagdag ng Chief Economic Manager ng Marcos Administration na handa itong magpa-interview tungkol sa Sovereign Wealth Fund kahit ilang oras pa.
Una nang lumabas sa survey ng Social Weather Station na 51% ng mga Pilipino ang naniniwalang kakaunti o wala silang makukuhang benepisyo mula sa MIF. —sa panulat ni Lea Soriano