Paiigtingin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagpapatrolyo sa Iroquois Reef sa West Philippine Sea makaraang 48 Chinese vessels ang naispatan na nagkukumpulan sa lugar.
Binigyang-diin ni PCG spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, na ang Iroquois Reef ay 128 nautical miles lamang ang layo mula sa Palawan kaya pasok ito sa Philippines’ exclusive economic zone.
Sinabi ni Tarriela na batay sa kanilang huling monitoring report, naka-base sa naturang lugar ang chinese maritime militia.
Aniya, posibleng i-deploy ng PCG ang kanilang 97-meter at 44-meter coast guard vessels sa follow-up operations upang maitaboy ang mga barko ng Tsina sa teritoryo ng Pilipinas. —sa panulat ni Lea Soriano