dzme1530.ph

Child Friendly Visitation Area bukas na para sa mga anak ng mga PDL —BJMP-Manila City Jail

Malungkot man ang naging takbo, ng buhay at kapalaran, ng mga PDL sa loob ng piitan, sa kabila ng kanilang mga nagawang kasalanan sa lipunan.

Hindi pa rin sila, nawalan, ng pag-asa, na minsan ay masisilayan nilang muli ang kanilang mga mahal na anak o pamilya sa kabila ng rehas na bakal na kanilang pinagdudusahan, at sa nagdaang pandemya sa ating bansa.

Kaya naman ang kanilang mga dalangin at pangarap ay parang milagro, dahil kamakailan lang ay binuksan na ang Child Friendly Visitation Area ng BJMP-Manila City Jail Male Dorm, sa ilalim ng pamumuno ni JSupt. Mirasol V Vitor, katuwang sa programang ito ang welfare development section, CRS, Custodial Unit at iba pang kawani ng nabangit na piitan.

Upang magkaroon ng ligtas at mas makabuluhang pagdalaw ang mga anak ng mga PDL, dumaan ito sa pag-aaral ang nasabing programa ng Child Friendly Visitation.

Layunin ng programang ito na bigyan ng pagkakataon ang ating mga PDL na makasama ang kanilang mga anak upang kahit sa maigsing panahon ay magampanan nila ang kanilang mga tungkulin bilang ama sa mga ito.

Parte din ng programang ito ang pagkakaroon ng read-a-book actvity sa mga anak ng PDL at ang pagtuturo ng ating mga PDL sa kanilang mga anak na magsulat at magbasa. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

About The Author