dzme1530.ph

WRMO, pina-aabisuhan na ang mga residente na magtipid ng tubig sa harap ng El Niño

Inatasan na ng Water Resources Management Office ng Dep’t of Environment and Natural Resources ang mga barangay, na abisuhan ang mga residente na magtipid ng tubig sa harap ng nagsimulang El Niño o matinding tagtuyot sa bansa.

Sa bulletin 002 ng DENR – WRMO, ini-utos sa lahat ng Barangay official na sabihan ang mga residente na bawasan ang mga aktibidad na kumo-konsumo ng maraming tubig kabilang ang pagdidilig ng halaman at carwash.

Hinihikayat din silang mag-imbak ng tubig-ulan, at i-recycle ang tubig na ipinanglaba at ipinag-hugas ng pinggan para sa pagdidilig ng halaman.

Bukod sa mga Brgy., saklaw din ng utos ang condominium at subdivision managers.

Samantala, ipina-mamadali rin sa lahat ng LGU sa Metro Manila ang pag-apruba sa water pipe repair activities ng Manila Water at Maynilad. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author