Nais ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na gawing libre ang aplikasyon para sa Overseas Employment Certifications (OEC).
Inatasan ng Pangulo ang Dep’t of Migrant Workers na makipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya upang humanap ng paraan kung papaanong magiging libre ang overseas certification.
Ginawa ni Marcos ang utos sa pakikipagpulong sa DMW, Bureau of Immigration, at Dep’t of Information and Communications Technology kaugnay ng DMW Mobile App.
Sinabi naman ni DMW sec. Susan ‘Toots’ Ople na hinihintay na lamang nila ang pag-apruba ng DICT upang mailunsad na mobile app.
Kinumpirma rin ni Ople na ibinilin ng Pangulo na tiyaking walang babayaran ang Pinoy migrant workers sa paggamit ng mobile app, at pag-download ng OFW pass o ang digital version ng OEC.
Iginiit pa ng kalihim na ang pagiging libre ng DMW mobile app ay paraan ng pagbibigay-pugay sa tinaguriang “Modern-Day Heroes”. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News