dzme1530.ph

P40 na umento sa sahod sa NCR, malaking insulto at hindi makatao!

Isang malaking insulto at hindi makatao ang P40 umento sa sahod ng mga manggagawa sa National Capital Region.

Ito ang pahayag ng Alliance of Health Workers (AHW) makaraang aprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang P40 minimum wage increase sa Metro Manila.

Iginiit ng grupo na ang lumalalang krisis sa ekonomiya at pagtaas ng presyo ng mga bilihin ang pangunahing dahilan ng pasanin ng mga ordinaryong manggagawa, kabilang ang health workers.

Dahil dito, muling umapela ang AHW ng P33,000 na entry-level salary para sa lahat ng health workers sa publiko at pribadong sektor.

Pinamamadali rin ng grupo ang pagbibigay ng hindi pa nababayarang COVID-19 allowance at performance-based bonus. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author