dzme1530.ph

Lebel ng tubig sa Angat dam, bumaba sa minimum operating level na 180meters

Patuloy na bumaba ang lebel ng tubig sa Angat dam.

Sa datos ng PAGASA kaninang alas-6 ng umaga, sumadsad sa 179.99 meters ang water level ng Angat, na mas mababa sa 180-meter minimum operating level.

Ito ay 0.46 meter below sa 180.45-meter reservoir water level (RWL) na naitala kahapon, July 7.

Una nang inihayag ng National Water Resources Board (NWRB) na babawasan nila ang alokasyon ng tubig sa Metro Manila at irigasyon sa mga kalapit-probinsya sakaling bumaba ang lebel ng tubig sa Angat dam sa minimum operating level na 180 meters.

Nabatid na 90% ng suplay ng tubig sa Metro Manila ay mula sa naturang dam.

Patuloy naman sa pagpapaalala ang water concessionaires sa publiko hinggil sa pagkaantala ng water supply sa rehiyon kasabay ng apela na magtipid sa pagkonsumo ng tubig. –sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author