Nakikiusap ang Philippine National Police (PNP) sa mga nagbabalak mag-martsa at magprotesta sa kahabaan ng Commonwealth Avenue na manatili na lamang freedom park para hindi na maka-abala sa daloy ng trapiko sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr..
Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, hindi naman pinipiglan ang mga magpapahayag ng kanilang protesta bilang karapatan na ayon sa saligang batas, pero nararapat lang aniya na nasa maayos at hindi makaka-abala.
Dagdag ni Fajardo, Magpapakalat ang PNP ng 5,000 hanggang 6,000 mga pulis sa paligid ng Batasang Pambansa, bukod pa sa mga tauhan na naka-deploy sa ibang lugar para masigurong hindi makukumprumiso ang seguridad sa Metro Manila, partikular sa mga tinaguriang high-crime areas.
Ani Fajardo, sa ngayon ay walang na-monitor na seryosong banta sa seguridad sa SONA, pero hindi pa rin magpapaka-kanpante ang kapulisan. –ulat mula kay Jay de Castro, DZME News