dzme1530.ph

NBI, nag-sorry sa viral na “sexy dance video”

Humingi na ng paumanhin, lalo sa mga kababaihan, si National Bureau of Investigation (NBI) Director Medardo de Lemos, hinggil sa “viral video” ng sexy dance performance ng dalawang babae sa isinagawang event ng ahensiya kamakailan.

Ayon kay de Lemos, hindi nila intensiyong makasakit ng damdamin ng kababaihan at wala aniya siya sa command conference nang mangyari ang sayawan, at kung siya’y nasa event siguradong pipigilan aniya nito ang babae sa pagsayaw.

Iniimbestigahan na rin aniya ang nangyaring insidente upang matukoy kung sino ang naglagay sa kanilang ahensiya sa kahihiyan.

Dagdag pa ni de Lemos, hindi sila mag-aatubiling sibakin sa serbisyo ang opisyal na mapapatunayang responsable sa nangyaring insidente.

Pinaalalahanan na rin niya ang kanilang mga tauhan na maging sensitive sa ganitong isyu upang hindi na maulit ang nangyaring pagkakamali. —sa panulat ni Joana Luna

About The Author