dzme1530.ph

Halos 20 katao, patay sa gas leak sa South Africa

Nasawi ang 16 na katao, kabilang ang mga bata dahil sa gas leak sa South Africa.

Ayon kay Fire and Emergency Services Spokesman William Ntladi, nakatanggap sila ng report hinggil sa umano’y gas explosion sa Angelo Informal Settlement sa Johannesburg.

Subalit nang puntahan ng mga otoridad, nadiskubre nito ang gas leak mula sa isang cylinder na naglalaman ng nakalalasong gas.

Itinuturo namang dahilan ni Ntladi sa nangyaring nitrate oxide gas leakage mula sa cylinder na ginagamit sa illegal mining activity sa loob at sa palibot ng nasabing lugar.

Sa ngayon, patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang nangyaring insidente. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author