Ang Jamaican Cherry o kilala rin sa tawag na aratiles, sarisa, at mansanitas ay isang uri ng prutas na karaniwang matatagpuan sa Pilipinas.
Ito ay mayaman sa antibacterial properties na may kakayahang labanan ang mga impeksyon at isa rin itong Anti-Cancer na prutas.
Alam niyo ba na ang dahon ng aratiles ay mainam din sa kalusugan?
Ang 20 gramo ng pinakuluang dahon ng aratiles at pag-inom ng tatlong baso kada araw ay mabisa para sa pangangalaga ng digestive system, lalo na sa mga nakararanas ng sakit na dysentry at gerd.
Ang dinikdik na dahon at bulaklak nito ay maaari namang gamitin bilang pamahid sa balat sa nakararanas ng allergies, pangangati o skin irritation. —sa panulat ni Airiam Sancho