dzme1530.ph

Gobyerno, hinimok na rebyuhin ang mga polisiya ng taripa upang mapalakas ang paggamit ng 2-wheeled e-vehicles sa Pilipinas

Isinusulong ng isang consumer advocacy group ang pag-amyenda sa Republic Act No. 10863 upang mapalakas pa ang paggamit ng two-wheeled electric vehicles sa bansa.

Ayon kay Citizenwatch Philippines Convenor Jose Christopher Belmonte, sakaling amyendahan ang Customs Modernization and Tariff Act ay mapapababa nito ang halaga ng importasyon ng e-vehicles.

Kaugnay nito, hinimok ng grupo ang gobyerno na hikayatin ang mga Pilipino na mamuhunan sa mas environmentally friendly transportation, gayundin ang paglikha ng mga insentibo para rito.

Bagama’t welcome sa grupo ang hakbang ng pamahalaan na pansamantalang babaan ang tariff rate ng 4-wheeled vehicles sa 0% sa susunod na limang taon sa ilalim ng Executive Order no. 12, muling iginiit ni Belmonte na dapat ding isama rito ang two-wheeled vehicles. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author