dzme1530.ph

Disbarment Order mula sa SC, hindi pa rin natatanggap ni Atty. Larry Gadon

Wala pa ring natatanggap na Disbarment Order mula sa Supreme Court si Presidential Adviser on Poverty Alleviation Sec. Larry Gadon.

Ito ang sinabi ng kalihim matapos ianunsyo ng mataas na korte ang majority decision na tanggalan ng lisensya si Gadon dahil sa “Misogynistic, Sexist and Abusive remarks” nito laban kay Raissa Robles.

Ayon kay Gadon, sa oras na matanggap niya ang naturang order ay agad siyang maghahain ng apila.

Bukod dito, inihahanda na rin niya ang Petition for Inhibition laban kina Associate Justice Filomena Singh at Marvic Leonen.

May personal na galit kasi umano ang dalawang mahistrado sa kanya dahil sa pagsusulong niya na ma-impeach noon si Leonen habang binabanatan niya si dating Health Officer-in-Charge Usec. Maria Rosario Vergeire na umano’y may blood relation kay Assoc. Justice Singh. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author