dzme1530.ph

Antas ng tubig sa Angat dam, patuloy sa pagbaba

Malapit nang umabot sa minimum operating level na 180 meters ang Angat Dam.

Sa pinakahuling datos na inilabas ng PAGASA Hydro-Meteorology Division, bumaba pa sa 180.45 meters ang lebel ng tubig sa Angat mula sa 180.89 meters nitong Huwebes.

Nabawasan din ang tubig sa La Mesa, Ambuklao, Binga, Pantabangan at Caliraya dam.

Una nang sinabi ng National Water Resources Board (NWRB) na maaaring mabawasan ang alokasyon ng tubig para sa irigasyon at power system sa Luzon sakaling magpatuloy ang pagbaba ng antas ng tubig sa Angat dam, na solusyon para masuplayan ng tubig ang Metro Manila.

Nabatid na 90% ng suplay ng tubig sa NCR ay mula sa naturang dam.

Kaugnay nito nanawagan ang NWRB sa publiko na magtipid sa pagkonsumo ng tubig.

About The Author