dzme1530.ph

Mga Pilipino, hati ang opinyon sa Maharlika Investment Bill —SWS survey

Hati ang paniniwala ng mga Pilipino sa Maharlika Investment Fund Bill, subalit kaunti lamang ang mayroong malalim na pagkakaunawa tungkol sa nasabing panukala, batay sa resulta ng survey ng Social Weather Stations.

Sa isinagawang survey noong March 26 hanggang 29, 20% lang ng Adult Filipinos ang mayroong “at least partial but sufficient knowledge” tungkol sa Maharlika Fund.

Sa kabila ng highly publicized legislative journey ng Maharlika Fund Bill, 33% ang nagsabing kaunti lamang ang kanilang alam, habang 47% ang umamin na halos walang alam o wala talagang alam tungkol sa panukalang batas.

Nang tanungin kung gaano kalaki ang benepisyong makukuha ng Pilipinas mula sa Maharlika Fund Bill kapag na-develop, 37% ang nagsabing maliit lang habang 14% ang naniniwalang halos wala namang makukuhang benepisyo.

Gayunman, sinabi ng SWS na 14% din ng mga Pinoy ang umaasa na marami ang makukuhang benepisyo mula sa Maharlika Fund habang 32% ang nagsabing medyo marami. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author