Binabantayan ng World Health Organization ang evolution ng H5N1 virus sa iba’t ibang species, kabilang na ang mammals, makaraang iugnay ito sa pagkamatay ng siyam na pusa sa Poland.
Ayon kay Dr. Sylvie Briand, director ng WHO Epidemic and Pandemic Preparedness and Prevention, nakikipag-ugnayan ang International Public Health Organization sa kanilang partner agencies sa pagsasagawa ng global monitoring ng highly-contagious na H5N1 virus.
Sinabi rin ni Briand na nakapag-secure ang WHO ng seeded H5N1 virus na maaring gamitin para sa vaccine development sakaling kailanganin ang Anti-Avian flu vaccination.
Aniya, pag-aaralan nila ang viruses sa susunod na vaccine compositon sa Setyembre at titingnan kung kailangang i-update ang seed viruses sa mga susunod na buwan. —sa panulat ni Lea Soriano