dzme1530.ph

Alamin ang masama at mabuting epekto sa katawan ng balut at penoy

Ang balut at penoy ay ilan lamang sa mga paboritong pantawid gutom ng mga Pilipino.

Gayunman, sa kabila ng pagiging patok ng mga ito sa panlasa ng mga Pinoy, nagbabala ang isang eksperto na maaring magdulot ng sakit sa puso ang labis na pagkain ng balut at penoy.

Ayon sa Nutritionist-Dietitian na si Sharmaine Esteban, mataas ang sodium content o alat at kolesterol na taglay ng balut at penoy, na nagdudulot ng komplikasyon sa puso.

Sinabi pa ni Esteban na kapag naparami ang kain nito ay maaring makaramdam ng pagkahilo at pananakit ng batok.

At dahil aniya sa sisiw, may purine content ang balut na nagpapataas ng uric acid at maaring magdulot ng Gout. Kaya naman isang pirasong balut lamang ang inirerekomendang kainin kada araw.

Kabilang naman sa mga benepisyong maaring makuha sa balut at penoy ay protina na mainam sa pagbuo ng muscles at calcium na pampatibay ng buto. Mayroon din itong mga bitamina at mineral, gaya ng phosphorus. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author